Monday, October 5

0 Masinsinang Usapan

BLOG: Pssst... Oo, ikaw. Lilingon pa. Musta ka naman? Ano ng ganap mo? Antagal mong di napadalaw ah.

ME: 'Eto lutang...ewan...di ko alam.

BLOG: 'Yan tayo eh. Nakakaalala lang na may outlet s'ya pag lutang. O s'ya, kwentuhan mo naman ako sa ganap ng buhay mo.

ME: Eh alam mo namang mahina ako magkwento...

BLOG: Oo nga pala. O s'ya, dating gawi. So ano na ngang ganap mo sa nakalipas na taon?

ME: Ito, nagtuturo. Alam mo astig nga eh. Nagtuturo na rin ako ng Journalism saka Intro to Comm. Ang astig ko na 'no? Tapos Advertising. Hanep! MassComm na talaga ang linya ko blog...

BLOG: Eh bakit parang 'di ka masaya?

ME: Masaya ako no...

BLOG: Utot mo! Kilala kita oi! Ako pang niloko mo. Anyare?

ME: Eh kasi blog bigla akong parang nalunod sa dami ng trabaho. Isama pa na parang di naiintindihan ni Mama at Bunso na academe na yung work ko. Eh alam mo naman ako, tapang-tapangan. Kunwari di iniida ang mga bagay-bagay. Ayun, sumabog. Well, 'di naman talaga sumabog. Biglang naramdaman ko nalang na ayaw ko munang magturo. Kaya ayun 2 araw akong absent.

BLOG: 'Nakng! Panong sweldo mo?

ME: Edi wala. Nganga. Di ko na naisip yun eh.

BLOG: Anong ginawa mo?

ME: Nagtulog. nagtulog at nagtulog. Naglaboy ng walang direksyon. Uminom at tumawa kasama si Mira.

BLOG: Kamusta namang mag-nomo?

ME: Masaya. Kasi nakatawa ako ng wagas. Kasi hindi ako nagpanggap kung ano ako.

BLOG: Ikaw nagpapanggap? Bakit?

ME: Kasi nga 'di ba guro na ako ngayon, so dapat mabuting ehemplo sa mga bata. Bawal maging gago, mahirap ng mapulaan. Kaya ayun, dapat kagalang-galang ang peg. Mahirap. Nakakasakal din pala. Saka syempre, 'di naman sanay sa academe na balahura at bargas ako.

BLOG: Sh*t dude! Seryoso yan?

ME: Oo eh. Kaya buti nalang nag-aya mag-inom si Mira. Kahit papano nakawala ako sa kural.

BLOG: Pero imposibleng 'yan lang ang problema mo Tsong. Yung totoo, ano pang ganap mo? Si Papa Joey ba? Uupakan ko yun!

ME: Uy huwag. Di s'ya. Mahal ko 'yun.

BLOG: Ayan nanaman tayo eh, tapos pag iniwan ka nguyngoy ka nanaman sa piling ko. Siguraduhin mong maayos yan ah...

ME: Maayos yun 'tol. Natutuwa nga ako dun. Kasi kahit anong topak ko, kahit hirap akong magpaliwanag ng sarili ko, naiintindihan n'ya. Alam nya kung gusto ko lang tumahimik or gusto ko mangulit. Partida pa 'di kami magkasama nun.

BLOG: Wow tsong! Congrats! Nakatagpo ka na ng sing-autistic mo.

ME: 'Nyeta ka ah. Di mo na ko ginalang.

BLOG: Mahal mo nga, napipikon ka eh...mabalik tayo sa usapan. So... bakit ka nga tinopak?

ME: Siguro ininda ko yung feedback nung mga estudyante ko.

BLOG: Bakit?

ME: Kasi medyo masakit ang sinabi eh. Kesyo nanghuhula daw ako ng grade. Di daw ako nagtuturo ng mabuti. Partida, ito yung Journalism class ko.

BLOG: Ungas pala 'yun eh.

ME: Siguro kaya ako apektado kasi kilala mo naman ako, alam mong ang tanging bagay na confident lang ako ay ang pagsulat. Kaya pinagsamang suntok sa ego saka sakit na tipong bigla kong gustong punitin ang diploma ko. Kasi biruin mo, apat na taon kong pinag-aralan, halos buong career life ko pagsulat ang ginawa ko tapos ganun ang sasabihin sa akin, di ko maituro ng maayos ang magsulat ng balita. Tangina! Kulang nalang tumambling ako sa klase nila. Mapuyat kababasa ng basura nilang manuscript tapos aangasan nila ako. Oo na, mayabang na kung mayabang pero alam mo yung feeling na nauubos ang panahon mo sa kanila tapos wala man lang appreciation. Akala ba nila yung 660 na nakukuha ko sa isang pagtuturo sa klase nila eh sapat na para yurakan nila ang talento ko. Tangina talaga eh! Alam mo kung yung World Lit, Intro to Comm, Business Comm at lalo na kung yung English classes kong nagsabi nyan, mas matatanggap ko kasi alam kong di ko gamay, pero nakngtokwa! Of all classes sa Journ class ko pa. Leche! Ni 'di nga sila makapagsulat ng matinong original work. Nagplagiarize pa. Tapos akala ba nila ang MassComm pacute at pabebe lang. Bwisit! Hindi ba nila alam na pag sinabing MassComm grad ka laging nakadugsong yung though na "Uy magaling sumulat yan." Oo na, mabuti sana kung thought lang nung article ang sabog. Hindi rin eh. Ultimo grammar sablay. Tagalog nalang sablay pa rin.

BLOG: Puso mo 'te...

ME: Sorry. Kaya ayun. Di ko muna pinasukan last Saturday. Bwisit sila. Baka kasi mamura ko ng katakot-takot.

BLOG: Eh kay ermats at utol, wala bang ganap?

ME: Isa pa 'yan. Di mag-usap. Lagi nalang utos kay Ate. Ate pakigawa. Ate pakiasikaso. Pag 'di mo napgbigyan or di mo nagawa, ikaw pang mali. Blog naman...tao lang ako...

BLOG: Mag-asawa ka na kaya...

ME: Leche! Hahahaha! Napatawa mo ko dun. Pero hindi sagot 'yun. Mag-thesis pa ako. Alam mo namang jowa ko. Tapat sa pangako.

BLOG: So ibig sabihin walang tumbling na nagaganap?

ME: Sinabi mo pa. Inaasar na nga ako ni Rae. Magmomongha na raw ba ako. Lintek na yun. Uy, ikakasal na 'yun. Akalain mo. Papasakal na ang loka. May willing victim. Hahahaha!

BLOG: Teka Lee...

ME: O?

BLOG: Alam ba ng tropa mo sa academe na topakin ka? Na may moment kang nagpapaka-ermitanyo at bumabalik sa loob ng shell.

ME: Yun nga eh. Hindi. Feeling ko nga naninibago sila. Napikon pa man din ako last time. Pero nag-sorry naman ako kasi na-realize kong impolite namang ginawa ko. Tapos na-wrong send si Mutya. So ayun, medyo nakapagpaliwanag na ako.

BLOG: Ah... eh hayaan mo muna. Basta iparamdam mong di ka naman galit.

ME: Oo naman. Nilapitan nga ako nung isang co-faculty ko eh. Kinausap nya rin ako.

BLOG: Tapos?

ME: Ayun, pinaliwanagan nya ako. Motherly paliwanag.

BLOG: Ah... pero kamusta ka naman na?

ME: Um, ayos na.

BLOG: Yung totoo?

ME: Ewan ko. Hindi pa yata. Siguro pag natapos na yung term ko sa STI at 'di ko muna makikita yung mga bagets. Saka naiingit ako sa mga co-faculty ko. Nakakausad na sila sa thesis nila. Ako 'eto pa rin. Kasalanan ko rin naman.

BLOG: Naiisip mo pa rin ba yung bayarin mo sa banko?

ME: Oo. Pag natapos na yun makakahinga na ako ng mas maluwag. Di bale 2 months nalang.

BLOG: Yun naman pala eh. Tama ng topak. Tandaan mo, ok lang na minsan maging selfish, meaning, kung feeling mo 'di ka OK, huwag ka na mandamay ng mga estudyanteng walang kinalaman sa mga pangyayari. Sa ganung pagkakataon, huwag ka na pumasok ng work at mag "ME" time. At, huwag kalimutan si Papa Lord.

ME: Hindi naman eh. Nagsimba nga ako nung isang gabi. Naiyak ako. Namiss ko tuloy ang Greenbelt Chapel.

BLOG: Halika nga dito.

ME: Bakit?

BLOG: Yayakapin lang kita ng mahigpit. Huwag kang matakot umiyak. Hindi ikababawas ng pagkatao mo yun. Saka ang friends mo, kaya sila sinugo ni Lord para tulungan ka. Iniisip mo nanaman siguro pabigat ka no?

ME: Oo.

BLOG: Ungas ka din eh. Hindi ka pabigat. OK?

ME: OK.

BLOG: O sya... magtuturo ka pa bukas. Huwag ng tatamarin. At huwag masyadong hard sa sarili mo. At yung mga estudyante mo, huwag mo na dibdibin yun.

ME: Salamat blog ah... ayabyu...

BLOG: Sya, sya... baka magselos ang boyfriend mo. Goodnight.

ME: Night.