Kung ang kamay ko'y may kakayahang maglakbay, nais ko abutin nito ang mga talang nagniningning sa himpapawid
Upang mahiram ang kinang nito kahit sandali.
Sana'y singkulay ng bahaghari ang bawat araw na darating
At nang ang ngiti'y hindi na pilit.
Nawa'y maging singlaya ng ihip ng hangin ang aking damdamin
Bakit ba hindi naging
Kasing ikli ng bawat sandaling lumilipas ang pananatili ng lumbay?
Mabilis iwaglit ang bigat ng damdaming nadarama?
Paano
Kung mapatid na ang pisi ng pag-unawa?
At mapigtal na ang tanging pag-asang pinaghahawakan?
Kailan
Natatapos ang pighati?
Ngayon.
Bukas.
Baka hindi.
Thursday, May 29
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment