Monday, October 12

1 Preso Kalayaan

Bukas, sa isang pirasong papel ay lalagda ako upang maging ganap na isang taumbahay.
Madami pa ang maaring mangyari, pero ang alam ko, siguro'y paraan na ito upang magsimula ako ng bago, mas bago. Ilang taon ko na ring iniinda ang mumunting kirot na hatid ng paligid na aking ginagalawan sa nakalipas ng dalawang taon. Sadyang kaybilis lumipad ng mga sandali. Heto ako ngayon at kumakawala sa bangungot ng kahapon, hindi sa paraang patakas bagkus marahil ay natapos ko na ang takdang taning upang inidahin lahat ng pait at makamtam ang kalayaang sadyang dapat ay matagal ng napasaakin. Malungkot ang maging tila preso sa apat na sulok ng aking tahanan ngunit na nakalipas na panahon ay naging piping saksi ang mga pader nito sa mga hikbi at luhang aking pilit na kinukubli sa mata ng madla. Sigurado, maraming bagay akong hahanap-hanapin. Ang tunog ng kalyeng sa simula pa'y mababakasan na ng kaginhawahan. Ang mga nagkikislapang ilaw sa mga mall at gusaling aking araw-araw dinadaanan. Ang busina at usok ng tambutso mula sa mga pampasaherong bus. Ang pikikipagsiksikan sa MRT, pagpilit gumising ng maaga upang dumating lang din naman ng late sa trabaho. Samu't saring bagay na naging parte na ng aking pang araw-araw. Alam ko, hindi ito ibibigay sakin ng walang dahilan o kung walang buting idudulot. Marahil panahon na upang pagbulay-bulayan ko ang aking mga saloobin, mga paniniwala at mga adikhain. Hindi ako sumusuko, bagkus humaharap ako sa panibagong yugto ng aking buhay. Sa mga nakasalamuha, nakatalamitam, nakaututang-dila at nakasalsalan ko ng isip...SALAMAT.

Oo. Marahil ako'y tila magiging isang preso sa aking mumunting sulok. Pero ang pasyang ito'y mas magdudulot ng mas malalim na kalayaan sa aking puso't isipan.

Hanggang sa muli bayan ng komersyo...Salamat sa mga alaala...

1 comments:

constantly_battling_anxiety said...

wow... I know how it feels... Yup, you're right, hindi yan ibibigay sayo nang walang dahilan... just enjoy your new routine, mas masasabik kang gumala nyan kasi nasa bahay ka lang... or you can invite us over para mas masaya... hehehe...