Tuesday, December 29

0 Unreliable Ako. Bow,

Ipinagkakanulo na ako ng mga luhang pilit sumisilay sa aking mata. Manhid na ang pakiramdam. Pagod na ang isip na umintindi. Na pagbulayan kung sino ang tama, ano ang mali o saan nagkamali. Mahirap pakitunguhan ang damdaming samu't-sari. Hindi pa man nakakapagsalita'y pagod na ang mga labing usalin ang mga paliwanag.

Unreliable.

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan lululugar, kung paano makikitungo. Siguro nga'y sadyang hindi ko binigyang pagpapahalaga kung ano mang bagay ang meron ako. Ngunit paano mo pahahalagahan ang isang bagay na sa simula pa'y minarkahan ka na. Na alam mong kahit anong pilit mong ipakita ang iyong kakayahan ay hindi yun magiging sapat upang umabot ka sa standard. Maaring masyado akong naging "petiks."

Sabi nga, sa isang libong tamang iyong gagawin, ang isang pagkakamali ay magdudulot ng lamat na higit sa dami ng tamang naipakita. Sadya bang mas madaling sabihin ang panlilibak kesa umusal ng papuri't pasasalamat?

Siguro nga'y sadyang balat-sibuyas lamang ako, o di kaya'y nasaling ang pride. Aminado akong nakagawa din naman ako ng pagkakamali. Siguro nga'y mas naging matimbang ang aking mga pagkakamali.

Isisi na lang natin ang lahat sa akin ng matapos na ang rigodon...

0 comments: