Sunday, June 20

0 Ang Pumatol...Talo

Ginising ako ng isang text message.
Kasinungalingan sa mga panahong napagtanto ko na ang katotohanan.

Pagmamakaawa
Pagsusumamo
O maaari din namang " emotional blackmail"

Kahit ano pang sabihin mo
Hindi ako patitinag.
Meron akong ebidensya

Hindi ako nananagasa.
Hindi ako nananapak.
Hindi ako nang-aagaw.

Ikaw
mag-isip ka
ginugulo mo ba ko dahil sa panghihinayang?
dahil sa pagiging makasarili?
o maari din namang sa parehong dahilan.

At muli't muli tama nga ang mga maalam
Ang pagsisisi lagi na'y asa huli...

0 comments: