Monday, June 14

0 Palaisipan

Nababagabag. Yun ang nararamdaman ko sa ngayon. May mga suliraning gusto ng matapos. Mga tanong na gustong masagot. Alam ko kinakailangan ng konti pang panahon para matapos ang lahat. Ngunit minsan, nakakaramdam na rin naman ng pagkapagal ang isip, ng pagkahapo ang puso. Minsan, ninanais ko na lang sumuko, bumitiw, tumakbo. Pero isa yung karuwagan. 

Kung susuriin ang mga pananaw ng mga tao sa palgid, lahat sila'y nagbibigay ng pag-asa na maayos din ang lahat. Pero mas ninais kong ilapit nalang sa Panginoon ang mga problema. 



0 comments: