Sa loob ng nakalipas na 8 buwan, maraming lumisan, madaming nagbago, madaming nagpaalam. Mga mahal sa buhay na sumakabilang-buhay. Mga kaibigang nangibang-bayan at tumawid ng kabilang bakuran upang simulan ang panibagong yugto ng kanilang buhay.
May mga materyal na bagay ding nagpaalam. Kinuha ng pwersahan. Sapilitan. Mga teritoryong pinangahasang pasukin at mga kapayapaang nabulabog. Kung may ipinagpapasalamat ako, yun ay walang nasaktan. Ngunit namamahay na ang takot sa dating tahimik na mundong aking ginagalawan.
Minsan naisip ko, bakit tila hindi makatarungan ang mundo sa akin. Alam ko maling magtanong pero hindi ko maiwasan. Kailan ba papabor ang ikot ng gulong ng buhay ko? Gusto ko ng mapagod. Gusto ko ng sumuko. Nakakapagod ng ipakita sa mundo na matapang ako. Dahil ang totoo, tila ako isang musmos na umiiyak na lamang sa isang madilim na sulok sa mga gabing balot ng kalungkutan.
Kahapon sa misa, sinabi ng pari, matutong sumuko at itaas ang lahat ayon sa gusto Nya.
Nawa'y mas matutunan ko pang sumunod sa layon Nya.
Monday, August 27
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment