Monday, April 30
0 Sa Silong ng Punong Mangga
Sa punong Mangga
Tayo'y kumanlong
Naupo
Nagkuwentuhan
Seryoso
Mababaw
Nakinig
Ikaw
Sa musika ng buhay ko
Ako
Sa himig ng gitara mo
Tahimik ang hapon
Maalinsangan ang hanging
Di natin inalintana
Tumakbo ang oras
Mabagal
Mundo'y uminog
Realidad ay bumalik
Pinagdikit tayo ng bisikletang de motor
Gahiblang hangin ang namagitan
Na tuluyang pinaglayo ng pamamaalam
Sana muli
Panahon ay maglaan ng sandali
Upang tayo'y muling sumilong
Sa punong Mangga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment